Sinabi ni Hesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.”

 Maligayang pagdating sa website ng Simbahan ng mga Apostol.

Inaanyayahan ka naming bisitahin kami sa personal o online (sa Ingles) sa Linggo sa 10:00 a.m. (14:00 UTC). Mag-scroll pababa para sa higit pang impormasyon.

baskets.jpg

Tradisyonal na Iraya-Mangyan na mga basket, Mindoro, Pilipinas

Traditional Iraya-Mangyan baskets, Mindoro, Philippines (Primer)

Karangalan namin na maging bahagi ng pamayanan ng Fairfax nang mahigit sa 50 taon, at nasasabik tungkol sa aming bagong lokasyon sa 11717 Lee Highway. Nais naming magiwan ng mensahe sa iyong wika.

Ito ay isang mahirap na panahon sa kasaysayan ng ating bansa at sa buong mundo. Sakit, digmaan, kaguluhan sa lipunan, kawalan ng katiyakan sa politika at pang-ekonomiya — lahat ng ito ay maaaring humantong sa amin upang makaramdam ng takot, walang pag-asa, nag-iisa, at naghahanap ng mga sagot. Bilang mga tagasunod ng Panginoong Hesukristo, naniniwala kami na alam ng Diyos ang sagot sa lahat dahil mas mahigit sya sa lahat ng mga problema. Ipinangako ng Diyos na kung tumalikod tayo sa ating mga kasalanan at sumunod sa kanya, patatawarin niya tayo at tatanggapin tayo sa kanyang piling. Hindi ibig sabihin na ang buhay ay magiging madali, ngunit magkakaroon tayo ng kapayapaan na higit sa ating pag-unawa. Hindi ito relihiyon, at hindi ito limitado sa anumang partikular na kultura o lahi. Ito ay isang relasyon sa ating Ama sa langit na nagmamahal sa atin.

Kung nais mong pagusapan ito (sa Ingles), tawagan mo kami sa 703-591-1974 o piliin mo ang “LEARN MORE” o “LET’S CONNECT” buton. Kasiyahan namin makipag-usap sa iyo.

Basahin Ang Salita ng Dios (may audio) / Cebuano / Iloko / Hiligaynon

Panoorin ang “Pelikulang Jesus” sa Tagalog / Cebuano / Iloko / Hiligaynon

(Para sa higit pang mga wika ng Pilipinas, mag-click dito at mag-scroll pababa.)